Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Ang Alamat ng Orasan




Ang Alamat ng Orasan 



Noong unang panahon sa lungsod ng Rayawa may nakatira na mag-asawa na sina Mang Jose at Aling Susan at ang kanilang tatlong mga anak na sina Ashley,Liza at si Rosana na ang pinakabunso at pinakamaganda sa kanilang magkakapatid.

Ang mag-asawa na sina Mang Jose at Aling Susan ay parehong masisipag sa pagtatrabaho sa bukid.
Ang kanilang tatlong mga anak naman ay parehong nakapagtapos na ng pag-aaral sa hayskol at dahil walang  pera ang kanilang magulang para makapag-aral sila sa kolehiyo ay hindi na sila tumuloy sa pag-aaral.

Pag sumikat na ang araw, ang kanilang buong pamilya ay kumikilos na maliban na lang kay Rosana. Naka alis na lang ang mga magulang nila para mag trabaho sa bukid at malapit naring matapos nila Ashley at Liza ang mga gawain sa kanilang bahay ay nakahandusay pa si Rosana sa higaan.Kapag maaga namang gumising si Rosana ay hindi siya gumagawa sa mga gawain sa kanilang bahay kundi maaga siyang pumapasyal sa kahit saan-saan.

Kapag pina pagalitan naman si Rosana ng kanilang magulang at nang kanyang mga nakakatandang kapatid sa kanyang mga ginagawa ay lumalaban siya at pagkatapos naman ay aalis ulit.


Ang hindi alam ni Rosana may isang engkanto na nakatira sa punongkahoy sa likod ng kanilang bahay na palaging sinusubaybayan ang kanyang ugali.

At sa sobrang galit ng engkanto sa pinagkakagawa ni Rosana ay pinarusahan siya nang engkanto dahil sa kanyang masamang ugali at sa kanyang pagka walang silbi sa kanilang pamilya.

Dahil sa masisipag ang mga kasapi sa pamilya ni Rosana maliban sa kanya kaya na isipan ng engkanto na gawin na lang siyang isang bagay na wala pang katulad sa mundo para magkaroon din siya ng silbi sa pangkataohan at kaya naman ay ginawa siyang isang bilog na bagay na may labing dalawang numero sa araw, na makakapag paalam sa mga tao sa kung ano na ang oras para mas may marami pa silang magagawa sa bawat oras.


Kaya tinawag ang bagay na iyon na ORASAN na hango sa buhay at sa pangalan ni Rosana na kung pagbabalibaliktarin ay magiging ORASAN............


Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay natutunan na ni Rosana ang importansya ng oras na kung saan, marami ka talagang magagawa sa bawat pag ikot nito. 



                                                                                             by: Capadngan, Ma. Jernie A.










10 komento:

  1. sana may gintong aral... anu ang gintong aral sa kwento?

    TumugonBurahin
  2. gud pm po ma'am capadngan, nabasa me po ang alamat ninyo, nagsusulat po akong libro para sa grade school students. Maaari ko po bang magamit ang alamat na ito sa pagtalakay ng paksa? Ilalagay ko po ang inyong panganlan bilang may-akda ng alamat. Maraming salamat po. Nawa'y matugonan ninyo kung kayo po ay papayag o hindi...Muli maraming salamat po and God bless!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hello. okay po, walang problema.

      Burahin
    2. Ako din po maaari ko po ba magamit ito para sa aking project?

      Burahin
  3. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. Thank you po subrang ganda ng kuwento❤️❤️❤️😊

    TumugonBurahin
  5. hi its been 7years and i hope you still write alamats

    TumugonBurahin
  6. Ginamit ko po ito para sa aking gawain sa Filipino. Naglagay naman po ako ng proper credits. Maraming salamat, Jernie!

    TumugonBurahin